Ligtas ba ang medikal na aborsyon sa pagitan ng ika-10 hanggang ika-13 linggo?
Ang mga pagpapalaglag gamit ang pildoras na nangyayari nang maaga sa pagbubuntis ay mayroong mababang panganib ng komplikasyon. Ang panganib ng komplikasyon, kabilang ang hindi matagumpay na pagpapalaglag, ay tumataas habang nagpapatuloy na mabuo ang ipinagbubuntis. Halimbawa, ang mga pagbubuntis na wala pang siyam na linggo ay may tasa ng komplikasyon na mas mababa sa 1%, habang ang mga pagbubuntis sa pagitan ng 10-13 linggo ay may taya ng komplikasyon na hanggang 3%.
Ano ang makikita ko sa isang medikal na aborsyon sa pagitan ng ika-10 hanggang ika-13 linggo?
Magsasanhi ng pagdurugo ang medikal na pagpapalaglag. Maaaring mas malakas ang pagdurugo na ito kaysa sa normal na pagreregla mo at maaaring magsama ng mga pamumuo. Sa isang pagpapalaglag sa pagitan ng 10–13 linggo, maaari kang makakita ng nakikilalang bagay ng pagbubuntis, o maaaring nagmumukha lang gaya ng tissue o mga pamumuo ng dugo. Normal ito at hindi ka dapat ma-alarma. Palatandaan ito na ang pagpapalaglag ay nagaganap gaya ng inaasahan. Sa pagkakaroon ng malakas na pagreregla, maaarin mong ligtas na itapon ang mga mas malalaking pamumuo ng dugo o tissue sa palikuran. Kung nakatira ka sa bansa kung saan iligal ang pagpapalaglag o ang mga pildoras ng pagpapalaglag, tiyaking maingat at mahinahon na itapon ang anumang nakikilalang bagay.
Mga May-akda:
Lahat ng nilalaman na itinampok sa website na ito ay isinulat ng HowToUseAbortionPill.org team alinsunod sa mga pamantayan at protocol mula sa The National Abortion Federation, Ipas, the World Health Organization, DKT International at carafem.
Mga Sanggunian:
- “Safe abortion: technical and policy guidance for health systems.” World Health Organization. https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/;jsessionid=B7AEEBE4F34809D869F73B1ABA7F6221?sequence=1
- “Clinical updates in reproductive health.” Ipas. https://www.ipas.org/resource/clinical-updates-in-reproductive-health/
- “Clinical policy guidelines for abortion care.” National Abortion Federation (NAF). https://5aa1b2xfmfh2e2mk03kk8rsx-wpengine.netdna-ssl.com/wp-content/uploads/2018_CPGs.pdf