Calculator ng Pagbubuntis
Gaanong katagal ka na sa iyong pagbubuntis? Ipinapahiwatig ng mga pananaliksik na ang aborsiyon hinggil sa medisina ay kadalasang inirerekomenda para sa mga pagbubuntis bago sa 13 linggo magmula na iyong huling pagkakaroon ng regla. Gamitin ang calculator sa pagbubuntis para malaman kung gaano katagal ka na magmula nang iyong huling pagkakaroon ng regla.
Kung ang iyong huling regla ay nagsimula sa o pagkatapos:
Disyembre 27, 2022
Maaari mo pa ring isaalang-alang ang pagpapalaglag ng tablitas
Mga Konsiderasyon
Kapag ikaw ay may IUD
Kung ikaw ay namumuhay na may HIV
Kung ikay ay nababahala sa kaugnay na pribado
Kung ikaw ay nag-papadede
Kung ikaw ay may anemia
Pangkalahatang Payo
Paggawa ng Planong Pangkaligtasan
Ayon sa American Congress of Obstetricians and Gynecologists, angd aborsiyon hinggil sa medisina na ginawa sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis ay isa sa pinakaligtas na mga pamamaraang medikal. Gayunpaman, dapat kang maging lagging handa sa anumang posibleng medikal na emergency. Isaalang-alang ang aming mgakatanungan sa ibaba para makatulong malikha ang iyong planong pangkaligtasan sakaling kailanganin mo ito.
Kailangan mong makarating doon sa loob nangisang oras o mas maaga. (Kung mayroon kang anemia, dapat kang makarating doon sa loob nang 30 minuto.)
Mayroon bang taong sasama sa iyo na makapagmamaneho? Magta-taxi ka ba? Pampublikong sasakyan? Magkano ang magagasto dito at nakahanda ba ito nang 24-na oras? Tandaan, hindi ligtas na ikaw mismo ang magmaneho papunta sa ospital sa panahon ng medikal na emergency.
Ipinagbabawal ba ang aborsiyon hinggil sa medisina aborsyon sa bahay kung saan ka naninirahan? Ano ang maaari mong sabihin sa iyong mga doktor nang sa gayon ay maiintindihan nila ang tulong na kailangan mo, ngunit pinoprotektahan niyon ang iyong pagkapribado? Mayroon kaming ilang mungkahi kung kailangan mo ng tulong sa pag-iisip kung ano ang sasabihin.
Sa ilang bansa, ang aborsiyon hinggil sa medisina o mga aborsiyon sa bahay ay legal na ipinagbabawal. Nangangahulugan ito nakung kailangan mo ng tulong na medikal na emergency, maaaring kailangan mong maging maingat tungkol sa iyong sasabihin. Ang aborsiyon hinggil sa medisina ay may parehong mga simtomas gaya ng likas na pagkalaglag (kilala rin bilang ‘spontaneous abortion’). Kung gayon, maari mong sabihin ang mga bagay tulad ng:
- Hindi ko tiyak kung ano nangyayari. Kasisimula ko lang duguin
- Dinudugo ako, ngunit parang hindi ko karaniwang regla.
- Bigla lang akong simulang duguin at natatakot akong mayroong problema.
Mga Sanggunian:
- “Induced Abortion.” American College of Obstetrics and Gynecologists. https://www.acog.org/Patients/FAQs/Induced-Abortion
- “Care for Women Choosing Medication Abortion.” The Nurse Practitioner. https://journals.lww.com/tnpj/Citation/2004/10000/Care_for_Women_Choosing_Medication_Abortion.9.aspx
- “Safe abortion: technical and policy guidance for health systems.”The World Health Organization. https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/?sequence=1