Tandaan: Dalawang linggo pagkatapos ng iyong aborsiyon, maaaring maging positibo pa rin ang iyong pagsusuri sa pagbubuntis sanhi sa mga nananatiling hormone sa iyong katawan. Kung patuloy kang nakararamdam ng mga sintomas ng pagbubuntis (may panaanakit ng suso, pagkanaduduwal, kapaguran, atbp.) pagkatapos gamitin ang mga pildoras, magpatingin sa isang doktor.
Habang nagpapalipas ng pagbubuntis, ang mga sintomas sa itaas ay normal. Maging alerto. Sa ibaba ay ilan sa mga senyales na maaaring nasa peligro ka para sa isang kumplikasyon.
Matinding dami ng pagdurugo: Kung nakabababad ka nang 2 regular na pad bawat 2-oras nang magkasunod matapos mong maisip na napalipas mo ang pagbubuntis, ito ay sobrang tinding pagdudugo. Dapat kang humingi ng medikal na tulong kung sobra kang magdurogo nang ganito. Ang ibig sabihin ng pagkababad na ang pad ay ganap na babad sa dugo, harap hanggang likod, magkabilang gilid, at tagusan.
Matinding pagkirot: Kung mayroon kang matinding pagkirot na hindi bumubuti kahit na matapos mong uminom ng ibuprofen, humingi ng medical na tulong. Ang ganitong klase ng matinding pagkirot ay maaaring mangangahulugan na mayroon kang kumplikasyon kaugnay sa iyong pagbubuntis. Ang hindi naresolba pagkirot na hindi napaginhawa ng ibuprofen ay maaaring isang senyales ng peligro. Iminumungakahi naming na sinumang buntis na babaeng dumaranan ng pagkirto ay humingi ng medical na pangangalaga.
Sobrang sama ng pakiramdam?Maaari may lagnat ka, nahihilo, at nagsusuka sa araw nang uminom ka ng misoprostol, Ito ay normal. Dapat kang bumuti nang bumuti bawat araw pakatapos uminom ng mga pildras na pang-aborsiyon. Hindi dapat sumama ang iyong pakiramdam. Kung mas sumamaang iyong pakiramdam sa anumang araw pagkatapos mong gamitin ang misoprostol, dapat kang humingi ng medikal na atensyon.
References:
This website may require anonymous cookies and various third party services to function properly. You can read our Terms & Conditions and Privacy Policies. By continuing to use this site you are giving us your consent to do this.