
Bago simulan, basahin ang aming mga payo Bago Gamitin Ang Pills. Tiyakin na:
- Ang pagbubuntis mo ay sakop ng unang 13 linggo (91 araw)
- Nirepaso mo ang lahat ng aming pagsasaalang-alang at pangkalahatang payo.
- Mayroon kang nakahandang ligtas na plano sa pambihirang kaso ng emergency.
Mga Tagubilin Para Sa Aborsyon Gamit Ang Mifepristone at Misoprostol
Para sa aborsyon gamit ang mifepristone at misoprostol, kakailanganin mong uminom ng 200mg pill ng mifepristone at apat hanggang walong 200mcg pills ng misoprostol. Kailangan mo rin na maghanda ng gamot sa kirot, tulad ng ibuprofen, para tulungan kang makayanan ang kirot. Ang Acetaminophen at paracetamol ay hindi tumatalab sa kirot sa oras ng aborsyon kaya hindi nirerekomenda ang mga ito.
Narito kung paano sabay iniinom ang mifepristone at misoprostol upang wakasan ang pagbubuntis:
Hakbang 1:
Inumin ang 200mg pill ng mifepristone gamit ang tubig.
Hakbang 2:
Hintayin ang 24-48 oras.
Hakbang 3:
Ilagay ang 4 misoprostol pills (200 mcg bawat isa) sa ilalim ng iyong dila at hayaan ito nang 30 minuto hanggang sa matunaw. Hindi ka dapat magsalita o kumain sa loob ng 30 oras, kaya mas makabubuting pagpunta sa isang lugar na tahimik na walang gagambala sa iyo. Pagkatapos ng 30 minuto, uminom ng tubig at lunukin ang lahat ng natitirang pills. Ito rin ang magandang pagkakataon para uminom ng painkiller tulad ng ibuprofen, dahil ang paghilab ay agad na magsisimula.
Dapat mong simulan ang pagdurugo at paghilab sa loob ng 3 oras ng paggamit ng 4 na misoprostol pills.
Hakbang 4:
24 oras pagkatapos uminom ng 4 misoprostol pills, kung hindi nagsimula ang iyong pagdurugo, o kung hindi ka sigurado na tumalab ang aborsyon, maglagay pa ng 4 na pills ng misprostol sa ilalim ng iyong dila. Pabayaan iyon nang 30 minuto hanggang sa matunaw. Pagkatapos ng 30 minuto, uminom ng tubig at lunukin ang lahat ng natitirang pills.
Iba Pang Mga Pagsasaalang-alang Para Sa Aborsyon Gamit ang Mifepristone at Misoprostol:
Alamin kung ano ang aasahan pagkatapos uminom ng mifepristone at misoprostol dito.
Kung nakakaranas ka ng matinding paghilab, ang ibuprofen ang magandang gamot upang malabanan ang kirot. Maaari kang bumili ng ibuprofen 200 mg sa counter (nang walang riseta) sa halos lahat ng bansa. Uminom ng 3-4 pills (200 mg bawat isa) kada 6-8 oras. Kung kailangan mo ng ekstrang pantanggal ng kirot, maaari kang gumamit din ng 2 pills ng Tylenol (325 mg) kada 6-8 oras.
Kung nag-aalala ka tungkol sa proseso ng aborsyon at gusto ng karagdagang tulong, maaari kang makipag-ugnayan sa ating mga kaibigan sa www.safe2choose.org, www.womenhelp.org o www.womenonweb.org.
Kung gumamit ka ng mga pills sa pagpapalaglag na mifestone at misoprostol, marahil ay hindi mo kailangang magpatingin sa health care provider para sa sa follow-up na pagbisita. Ang mga gamot na ito ay epektibo na nirerekomenda ng World Health Organization kung saan kailangan mo lamang mag-follow up kung:
- May sakit ka, o hindi gumagaling ang kirot pagkatapos ng 2 o 3 araw. Gapag naganap ito, humingi agad ng medikal na tulong.
- Mararamdaman mo pa rin ang mga sintomas ng pagbubuntis dalawang lingo pagkatapos mong uminom ng pills sa pagpapalaglag.
- Ang pagdurugo mo ay malakas at hindi humihina pagkatapos ng 2 linggo.
Mga Tagubilin Para sa Aborsyon Gamit Lamang Ang Misoprostol
Bago simulan, basahin ang aming mga payo Bago Gamitin Ang Pills. Tiyakin na:
- Ang pagbubuntis mo ay sakop ng unang 13 linggo (91 araw)
- Nirepaso mo ang lahat ng aming pagsasaalang-alang at pangkalahatang payo.
- Mayroon kang nakahandang ligtas na plano sa pambihirang kaso ng emergency.
Kung ang mifepristone ay hindi mabibili sa inyong lugar, maaari mong gamitin ang misoprostol lamang para wakasan ang pregnancy.
Para sa aborsyon gamit lamang ang misoprostol, kakailanganin mong uminom ng labindalawang 200mcg pills ng misoprostol. Kailangan mo rin na maghanda ng gamot sa kirot, tulad ng ibuprofen, upang makayanan ang kirot. Ang Acetaminophen at paracetamol ay hindi tumatalab para makayanan ang kirot sa oras ng aborsyon kaya hindi nirerekomenda ang mga ito.
Ganito ginagamit ang misoprostol nang mag-isa upang wakasan ang pagbubuntis:
Hakbang 1:
Ilagay ang 4 misoprostol pills (200 mcg bawat isa) sa ilalim ng iyong dila at hayaan ito nang 30 minuto hanggang sa matunaw. Hindi ka dapat magsalita o kumain sa loob ng 30 oras, kaya mas makabubuting pagpunta sa isang lugar na tahimik na walang gagambala sa iyo. Pagkatapos ng 30 minuto, uminom ng tubig at lunukin ang lahat ng natitirang pills. Ito rin ang magandang pagkakataon para uminom ng painkiller tulad ng ibuprofen, dahil ang paghilab ay agad na magsisimula.
Hakbang 2:
Maghintay ng 3 oras.
Hakbang 3:
Maglagay ng 4 na misoprostol pills (200mcg) sa ilalim ng iyong dila at hayaan ito nang 30 minuto hanggang sa matunaw ang mga ito
Hakbang 4:
Maghintay pa ng 3 oras.
Hakbang 5:
Maglagay pa ng 4 na misoprostol pills (200mcg) sa ilalim ng iyong dila at hayaan ito nang 30 minuto hanggang sa matunaw ang mga ito.
Dapat magsimula ang pagdurugo mo at paghilab habang iniinom ang pills. Tiyakin na iinumin ang lahat ng 12 pills kahit na nagsimula na ang iyong pagdurugo bago mo pa mainom ang lahat ng ito.
Iba Pang Pagsasaalang-alang Para Sa Aborsyon Gamit ang Misoprostol:
Alamin kung ano ang aasahan pagkatapos inumin ang misoprostol dito.
Kung nakakaranas ka ng matinding paghilab, ang ibuprofen ang magandang gamot upang malabanan ang kirot. Maaari kang bumili ng ibuprofen 200 mg sa counter (nang walang riseta) sa halos lahat ng bansa. Uminom ng 3-4 pills (200 mg bawat isa) kada 6-8 oras. Kung kailangan mo ng ekstrang pantanggal ng kirot, maaari kang gumamit din ng 2 pills ng Tylenol (325 mg) kada 6-8 oras.
Kung nag-aalala ka tungkol sa proseso ng aborsyon at gusto ng karagdagang tulong, maaari kang makipag-ugnayan sa ating mga kaibigan sa www.safe2choose.org, www.womenhelp.org o www.womenonweb.org.
Kung ginamit mo ang misoprostol, malamang na hindi mo na kailangang magpatingin sa health care provider para sa follow-up na pagpapatingin. Ang mga gamot na ito ay epektibo na nirerekomenda ng World Health Organization kung saan kailangan mo lamang mag-follow up kung:
- May sakit ka, o hindi gumagaling ang kirot pagkatapos ng 2 o 3 araw. Gapag naganap ito, humingi agad ng medikal na tulong.
- Mararamdaman mo pa rin ang mga sintomas ng pagbubuntis dalawang lingo pagkatapos mong uminom ng pills sa pagpapalaglag.
- Ang pagdurugo mo ay malakas at hindi humihina pagkatapos ng 2 linggo.
Mga May-akda:
- Lahat ng nilalaman na itinampok sa website na ito ay isinulat ng HowToUseAbortionPill.org team alinsunod sa mga pamantayan at protocol mula sa The National Abortion Federation, Ipas, the World Health Organization, DKT International at carafem.
- Ang National Abortion Federation (NAF) ay ang propesyonal na samahan na nagkakaloob ng pagpapalaglag sa Hilagang Amerika, at ang lider sa pro-choice movement. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa mga alituntunin sa Klinikal na Patakaran ng 2020 na inilabas ng NAF.
- Ipas ay ang internasyonal na organisasyon na nakatuon lang sa pagpapalawak ng akses sa ligtas na pagpapalaglag at pangangalaga na kontra sa pagkakaroon ng anak. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa Mga Klinikal na Update Sa Reproduktibong Kalusugan ng 2019 na inilabas ng Ipas.
- Ang World Health Organization (WHO) ay isang espesyalisadong ahensiya ng United Nations na responsable sa internasyonal na pampublikong kalusugan. Ang nilalaman ng HowToUseAbortionPill.org ay nakahanay sa Ligtas na pagpapalaglag ng 2012: alituntuning teknikal at patakaran sa mga sistema ng kalusugan na inilabas ng WHO.
- Ang DKT International ay isang rehistradong, hindi nagtutubong organisasyon na itinatag noong 1989 upang magtuon ng pansin sa kapangyarihan ng social marketing sa ilang malalaking bansa na may mga pinakamatinding pangangailangan sa pagpaplanong pampamilya, pag-iwas sa HIV/AIDS at ligtas na pagpapalaglag.
- carafem ay isang klinikal na network na nagbibigay ng kumbenyente at propesyonal na pangangalaga sa pagpalaglag at pagpaplanong pampamilya upang sa gayon makontrol ng mga tao ang bilang at agwat ng kanilang mga anak.
Mga Sanggunian:
- “Safe abortion: technical and policy guidance for health systems.” World Health Organization. https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/70914/;jsessionid=B7AEEBE4F34809D869F73B1ABA7F6221?sequence=1
- “Clinical updates in reproductive health.” Ipas. https://www.ipas.org/resource/clinical-updates-in-reproductive-health/
- “Providing medical abortion in low-resource settings: An introductory guidebook. Second edition.” Gynuity. https://gynuity.org/assets/resources/clinguide_maguide2nd_edition_en.pdf
- “Clinical policy guidelines for abortion care.” National Abortion Federation (NAF). https://5aa1b2xfmfh2e2mk03kk8rsx-wpengine.netdna-ssl.com/wp-content/uploads/2018_CPGs.pdf