Mga Tanong sa Aborsyon – Mga Kadalasang Tanong (FAQs) sa Abortion Pill

Sino ang Maaaring Gumamit ng Mga Abortion Pill?

    Hindi, gumamit ng parehong bilang ng pills na inirerekomenda namin para sa lahat. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang tagumpay ng medikasyon ay hindi nababawasan kung kayo ay sobra sa timbang. Hindi niyo kailangang uminom ng ibang dosis o mas maraming pills.

    Hindi niyo kailangang baguhin ang dosis o ang bilang ng pills kung inyong nalaman na kambal ang inyong pinagbubuntis.Ang mga tagubilin sa pill ay pareho sa ipinagbubuntis na kambal tulad din ng sa pagbubuntis nang isahan.

    Hindi, ang bawat pagbubuntis ay isang natatanging pangyayari. Kung nakagamit na kayo noon ng mga abortion pill, hindi niyo kailangan ang mas mataas na dosis kung gagamitin niyo ito ulit para sa ibang hindi ninanais na pagbubuntis.

    Kung mayroon kayong intrauterine contraceptive device sa matris (hal., ang copper na IUD o ang progesterone na IUD), labis na inirerekomenda na tanggalin ito bago ang pag-inom ng abortion pills.

    Maaari kayong magpasuso nang normal kapag sumasailalim sa aborsyon gamit ang pills. Pumapasok nang napakaunti ang mifepristone at misoprostol sa gatas ng suso, at napakakaunti nito para magsanhi ng anumang side effect o pinsala sa inyong sanggol. Maaaring magpatuloy nang walang interupsyon ang pagpapasuso sa panahon ng aborsyon gamit ang pills.

    Kung kayo ay nabubuhay na may HIV, maaari kayong magpa-aborsyon gamit ang pills tulad din ng sinumang iba pa. Palaging ipinapayo na uminom ng mga gamot na antiretroviral para sa pinakamahusay na kalusugan.

    Kung kayo ay may anemia (may mababang iron sa inyong dugo), maaari pa rin kayong sumailalim sa isang aborsyon gamit ang pills, ngunit pinakamahusay na tukuyin ang isang naaakses na health care provider na makakatulong kung kailangan niyo ito. Kung may malala kayong anemia, pinakamaganda na komunsulta sa isang clinician bago gamitin ang pills.

    Hindi, ang paggamit ng mga abortion pill sa unang mga buwan ng pagbubuntis ay ligtas kahit na kayo ay nanganak na nang caesarian nakaraan?

    Walang nakitang kaugnayan sa pagitan ng mifepristone at mga depekto sa pagsilang. Gayunpaman, ang misoprostol ay maaaring magsanhi ng isang bahagyang mataas na pagkakataon ng mga depekto sa pagsilang. Kung uminom kayo ng misoprostol at kayo ay buntis pa rin pagkatapos inumin ang pills, maaari kayong magkaroon ng isang likas na pagkakakunan. Kung hindi kayo nakunan at dinala ang pagbubuntis hanggang sa panganganak, ang panganib ng maling pagkakabuo ng fetus kaugnay sa pagkakalantad sa misoprostol ay mas mababa pa rin sa 10 sa kada 1,000 pagkakalantad.

    Kung kayo ay sumailalim sa pamamaraan ng isterilisasyon at buntis ngayon, maaari pa rin kayong gumamit ng abortion pills. Gayunpaman, kayo ay nasa mas mataas na panganib kaysa sa average na tao para sa isang ektopikong pagbubuntis, o pagbubuntis sa labas ng matris, dahil ang nakaraang isterilisasyon ay lumilikha ng pagkakapilat sa fallopian tubes. Maaari niyong piliing magpatuloy sa abortion pills, gayunpaman kung wala kayong ektopikong pagbubuntis, hindi gagana ang pills. Hindi makakapinsala ang mga ito, ngunit patuloy na lalaki ang inyong ektopikong pagbubuntis at maaaring magsanhi ng posibleng nakakamatay na sitwasyon. Kung ito ay isang ektopikong pagbubuntis, mangangailangan ito ng espesyal na medikal na atensyon at paggamot. Kung sumailalim kayo sa isang pamamaraan ng isterilisasyon at nagpa-ultrasound para kumpirmahin na nasa loob ng matris ang ipinagbubuntis (hindi ektopiko), ligtas na gumamit ng pills.

    Kung kayo ay may nakaraan nang ektopikong pagbubuntis na ginamot, at buntis uli kayo ngayon, maaari pa rin kayong gumamit ng abortion pills. Gayunpaman, kayo ay nasa mas mataas na panganib kaysa sa average na tao para sa isang ektopikong pagbubuntis. Maaari niyong piliing magpatuloy sa abortion pills, gayunpaman kung wala kayong ektopikong pagbubuntis, hindi gagana ang pills. Hindi makakapinsala ang mga ito, ngunit patuloy na lalaki ang inyong ektopikong pagbubuntis at maaaring magsanhi ng posibleng nakakamatay na sitwasyon. Kung ito ay isa na namang ektopikong pagbubuntis, mangangailangan ito ng espesyal na medikal na atensyon at paggamot. Kung kayo ay may nakaraan nang ektopikong pagbubuntis at nagpa-ultrasound para kumpirmahin na nasa loob ng matris ang kasalukuyang ipinagbubuntis (hindi ektopiko), ligtas na gumamit ng pills.

    Ang mga ektopikong pagbubuntis ay nadadiagnose gamit ang ultrasound. Kung kayo ay nadiagnose na may ektopikong pagbubuntis, hindi inirerekomenda na gumamit ng abortion pills dahil hindi gagana ang mga ito. Sa halip, dapat kayong humingi ng medikal na pangangalaga para sa paggamot ng ektopikong pagbubuntis dahil sa hindi ito isang mabubuhay na pagbubuntis. Kahit na sa mga bansa kung saan hindi legal ang aborsyon, maaari kayong magkaroon ng access sa isang legal na pamamaraan upang wakasan ang pagbubuntis na ito.

    Bilang isang transgender na lalaki o taong non-binary, ligtas na gumamit ng mga abortion pill. Kung kayo ay umiinom ng mga nakapagpapa-lalakeng hormone (masculinizing hormones), hindi makakahadlang ang misoprostol o mifepristone. Ang mga abortion pill na ito ay ligtas na gamitin kung kayo ay gumagamit ng testosterone (T) at/o gonadotrophin releasing hormone (GnRH) analogues. Gayunpaman, maaaring mahirapan kayong humanap ng pangangalaga sa aborsyon na ibibilang kayo. Matuto pa tungkol sa pangangalaga sa aborsyon sa inyong bansa.

    Mga Sanggunian:

Mga Uri ng Mga Abortion Pill at ang Kanilang Gamit.

    Ipinahihiwatig ng research na ang medikal na aborsyon ay pinakamadalas na inirerekomenda para sa mga pagbubuntis bago ang 13 linggo mula sa inyong huling regla. Ang HowToUseAbortionPill protocol ay nilalayon rin para sa mga pagbubuntis nang hanggang sa 13 linggo. Ang mga abortion pill ay maaaring gamitin kalaunan sa isang pagbubuntis, ngunit nangangailangan ng ibang mga protocol at konsiderasyon para sa kaligtasan. Para sa higit pang impormasyon, maaari kayong umugnay sa ating mga kaibigan sa www.womenonweb.org. O pumunta sa aming mga profile ng bansa upang matuto pa tungkol sa mga mapagkukunan sa aborsyon sa inyong bansa.

    Mga Sanggunian:

    Ang isang aborsyon gamit ang pills ay lubos na ligtas at epektibo kapag ginamit nang wasto. Matagumpay na gumagana ang isang aborsyon gamit ang mifepristone at misoprostol sa higit 95% sa lahat ng panahon, at ang tiyansa ng komplikasyon ay wala pang 1% sa hanggang 10 linggong pagbubuntis at 3% sa pagitan ng 10 at 13 linggong pagbubuntis. Kapag gumagamit lamang ng misoprostol, ang aborsyon ay may rate ng tagumpay na 80-85%, at tiyansa ng komplikasyon na 1-4% sa hanggang 13 linggong pagbubuntis. Ayon sa World Health Organization, ang isang aborsyon gamit ang pills ay maaaring ligtas at epektibong pangasiwaan sa bahay hangga’t kayo ay may access sa tumpak na impormasyon at mga gamot na sigurado ang kalidad.

    Mga Sanggunian:

    Mayroong dalawang uri ng mga abortion pill, at ang bawat isa ay may magkaibang mekanismo ng aksyon. Ang Mifepristone ay humaharang sa hormone na kinakailangan para sa paglaki ng pinagbubuntis, habang ang mga sangkap na ginamit sa misoprostol ay gumagana sa pamamagitan ng pagpaparelaks at pagbubukas sa cervix ng matris (ang bungad ng matris) at nagsasanhi ng pag-urong ng matris, na nagtutulak palabas sa pinagbubuntis.

    Ang Misoprostol ay nagsasanhi ng pag-urong ng matris at inilalabas ang pinagbubuntis.

    Hinaharangan ng Mifepristone ang hormone na kinakailangan para sa paglaki ng pinagbubuntis.

    Oo, maaari niyong ligtas na gamitin ang misoprostol sa bahay. Kapag uminom kayo ng misoprostol pills, subukang masiguro na kayo ay nasa isang lugar (tulad ng inyong bahay) kung saan ay mayroon kayong privacy at maaaring humiga sa loob ng ilang oras pagkatapos na kayo ay uminom ng pills. Ang pagkakaroon ng kasama na maaaring mag-alaga sa inyo at magdala sa inyo ng mainit na tsaa o kahit anong makakain ay napakalaking tulong.

    Huwag kumain o uminom ng kahit na ano sa loob ng 30 minuto habang inyong binibigyan ng oras para matunaw ang misoprostol. Pagkatapos ng 30 minuto, puwede kayong uminom ng tubig para lunukin ang natitirang pills at, sa pangkalahatan, kahit gaano karaming tubig na kailangan niyo para hindi mauhaw.

    Oo, puwede kayong uminom ng tubig para tulungan kayong malunok ang mifepristone.

    May dalawang paraan para matagumpay na gamitin ang misoprostol: ilagay ang pills sa inyong ari (vaginally) o sa ilalim ng inyong dila (sublingually). Ang HowToUseAbortionPill ay nagmumungkahi na gamitin lamang ang misoprostol sa ilalim ng dila dahil ang pills ay natutunaw nang mas mabilis, at ito ay mas pribado dahil ang mga ito ay hindi nag-iiwan ng nakikitang mga bakas sa inyong katawan.

    Ang parehong kombinasyon ng mifepristone at misoprostol at misoprostol-lamang ay mga epektibong opsyon. Gayunpaman, kung makukuha niyo at mura para sa inyo, ang kombinasyon ng mifepristone at misoprostol ang dapat niyong piliin dahil bahagyang mas epektibo ito kaysa sa misoprostol lamang.

    98 na kababaihan sa 100 ang magkakaroon ng isang kumpletong aborsyon kung ang mifepristone at misoprostol ay gagamitin. Aabot sa 95 na kababaihan sa 100 ang magkakaroon ng isang kumpletong aborsyon kung misoprostol lamang ang ginamit.

    Ang mifepristone at misoprostol ay iniinom nang magkasabay dahil ang pills na ito ay akma sa isa’t isa. Pinipigilan ng Mifepristone na lumaki ang pinagbubuntis. Ang gamot na ginagamit sa misoprostol ay gumagana sa pamamagitan ng pagpaparelaks at pagbubukas ng cervix ng matris (bungad ng matris) at nagsasanhi sa pag-urong ng matris, na nagtutulak palabas sa pinagbubuntis.

    Kung ginagamit niyo ang misoprostol pills sa ilalim ng inyong dila, walang makakapagsabi na kayo ay gumamit ng mga abortion pill, dahil malulunok niyo ang lahat pagkatapos ng 30 minuto. Kung may magtatanong, puwede niyong sabihin na natural kayong nakunan. Kung inyong ginagamit ang misoprostol sa ari, ang balat ng pill ay maaaring hindi kumpletong matunaw sa loob ng isang araw o dalawa. Kung kailangan niyo ng mabilisang medikal na pag-aalaga sa loob ng 48-oras mula noong ginamit niyo ang misoprostol sa ari, ang healthcare provider ay maaaring makita ang puting balat ng pill sa inyong ari. Ito ang dahilan kung bakit ang HowToUseAbortionPill ay nagmumungkahi na gamitin ang misoprostol sa ilalim ng inyong dila at hindi sa loob ng inyong ari.

    Kung kayo ay may allergy sa NSAIDs (kabilang ang ibuprofen), inirerekomenda ang acetaminophen (Tylenol/Paracetamol) bilang isang alternatibo na gamot sa kirot. Nakukuha ito nang over-the-counter (walang reseta) sa maraming bansa. Uminom ng 2 tabletas (325 mg na tabletas) kada 4-6 na oras kung kinakailangan para sa kirot. Ang maximum na dosis sa 24 na oras ay 4000mg.

    References:

    • “Acetaminophen (OTC).” Medscape. https://reference.medscape.com/drug/tylenol-acetaminophen-343346

Mga Kontraindikasyon ng Abortion Pill

    Dapat niyong iwasan na gamitin ang mga abortion pill sa bahay na sumusunod sa HowToUseAbortionPill kung kayo ay higit nang 13 linggong (91 araw) buntis; kung kayo ay may allergy sa mifepristone o sa misoprostol; kung kayo ay may malubhang problema sa kalusugan, kabilang ang mga problema sa pamumuo ng dugo; o sa tingin niyo o alam niyo na ang pinagbubuntis ay lumalaki sa labas ng sinapunan (ektopikong pagbubuntis).

Mga Side Effect at Komplikasyon ng Mga Abortion Pill

    Ang karanasan sa bawat aborsyon ay nag-iiba-iba. Maaari kayong makaranas ng higit na paghilab at pagdurugo kaysa sa inyong normal na pagreregla (kung mayroon kayong paghilab sa regla). Ngunit normal rin kung ang inyong paghilab ay mahina at ang inyong pagdurugo ay parang isang normal na pagreregla. Ang iba pang karaniwang mga side effect ay pagkahilo, pagtatae, lagnat, at sakit ng ulo. Gayunpaman, dapat na bumuti ang inyong pakiramdam sa loob ng 24 na oras. Kung magsisimulang sumama ang inyong pakiramdam, samakatuwid ay dapat kayong humingi ng medikal na atensyon.

    Mga Sanggunian:

    Para sa ilan, ang paghilab ay napakalakas – higit pang mas masakit sa paghilab ng regla (kung mayroon kayong paghilab sa inyong regla) at ang pagdurugo ay mas malakas pa kaysa sa isang pagreregla. Maaaring maglabas kayo ng mga buo-buong dugo na may sukat na hanggang sinlaki ng lemon sa loob ng unang mga oras pagkatapos uminom ng misoprostol. Para sa iba, ang paghilab ay mahina at ang pagdurugo ay parang isang normal na pagreregla. Ang pagdurugo sa pangkalahatan ay pinakamatindi sa loob ng unang 24 na oras ng paggamit ng misoprostol.

    Upang gumana ang isang aborsyon gamit ang isang pill, dapat kayong makaranas ng pagdurugo. Maghanap ng medikal na pangangalaga kung hindi kayo dinugo o may kaunting pagdurugo kasunod ng sobrang pananakit (partikular sa kanang balikat) na hindi naiibsan ng ibuprofen. Ito ay maaaring senyales ng isang ektopikong pagbubuntis (pagbubuntis na makikita sa labas ng matris). Kahit ito ay bihira, ito ay nakamamatay. Maaari niyo ring kontakin ang aming mga kaibigan sa www.safe2choose.org para makausap ang isang sinanay na tagapayo sa aborsyon kung kayo ay nababahala na hindi matagumpay ang aborsyon.

    Maghanap ng medikal na pangangalaga kung natagusan ka sa 2 regular na mga pad sa bawat oras sa loob ng 2 oras na magkasunod pagkatapos na sa tingin mo ay nalabas na ang pinagbubuntis. Ang pagtagos ay nangangahulugan na ang pad ay napuno ng dugo sa harap-patungo-sa-likod, gilig-hanggang-gilid, at tumagos.

    Maghanap ng medikal na pangangalaga kung nagbabad kayo ng 2 regular na pad kada oras sa 2-oras na magkasunod matapos niyong isipin na lumipas na ang inyong pagbubuntis. Ang ibig sabihin ng pagkakababad ay ganap nang nakababad sa dugo ang pad, harap hanggang likod, magkabilang gilid, at tagusan.

    Uminom ng 3-4 na ibuprofen pills (200 mg) sa bawat 6-8 oras para maibsan ang inyong pananakit. Tandaan na maaari rin kayong uminom ng ibuprofen bago gumamit ng misoprostol.

    Pagkatapos na matunaw ang misoprostol sa 30 minuto, puwede na kayong kumain hangga’t gusto niyo. Walang mga paghihigpit sa mga uri ng pagkain na maaari niyong kainin. Minumungkahi ng HowToUseAbortionPill ang mga simple at tuyong pagkain (hal. biskwit o tustadong tinapay) dahil maaaring makatulong ang mga ito sa pagkahilo, habang ang berdeng dahon na mga gulay, mga itlog, at pulang karne ay maaaring makapagbigay ng protina at tumulong mabawi ang mga mineral na nawala sa aborsyon.

    Pagkatapos na matunaw ang misoprostol, puwede na kayong uminom ng anumang likido na gusto niyo (maliban sa alak).

    Inirerekomenda ng HowToUseAbortionPill ang pag-iwas sa alak sa panahon ng proseso ng aborsyon gamit ang pill upang mapababa ang mga negatibong epekto ng alak sa mga medikasyon at sa inyong kakayahan na pangalagaan ang inyong sarili. May potensyal din ang alak na makaapekto sa pagdurugo. Sa oras na kumpiyansa na ang inyong pakiramdam na matagumpay ang aborsyon, okay na ang komunsumo ng alak.

    Karamihan ay nailalabas ang pagbubuntis at nakakaranas ng mga pinakamalubhang sintomas ng paghilab at pagdurugo sa loob ng 4 – 5 oras ng paggamit ng unang dosis ng misprostol. Karamihan ng mga tao ay nagsisimulang mas bumuti ang pakiramdam sa loob ng 24 na oras pagkatapos gumamit ng huling dosis ng misoprostol. Normal lang na patuloy na makakita ng kaunting pagdurugo at spotting hanggang sa iyong susunod na regla sa 3 – 4 na linggo.

    Pagkatapos gumamit ng misoprostol, normal lamang ang sumama ang pakiramdam ng inyong tiyan, pagtatae, panginginig, o kahit makaramdam na parang mayroon kayong lagnat sa panahong ito. Karamihan ay nag-ulat na alam na nilang nailabas na ang kanilang pinagbubuntis dahil ang pagdurugo ay bumabagal, nababawasan na ang mga side effect ng medikasyon, at nagsisimula nang bumaba ang mga sintomas ng pagbubuntis.

    Ang mga komplikasyon sa isang medikal na aborsyon ay napakabihira. Gayunpaman, mahalagang nagagawa niyong kilalanin ang mga posibleng senyales ng komplikasyon. Kung nakakaranas kayo ng matinding pagdurugo (pagbababad ng 2 regular na pad kada oras sa 2 oras na magkasunod), may labis na kirot na hindi gumagaling pagkatapos na uminom ng ibuprofen o nagsisimulang mas sumama ang pakiramdam anumang araw pagkatapos gumamit ng misoprostol, dapat kayong humingi ng medikal na atensyon.

    Ang mga medikal na aborsyon o mga aborsyon sa bahay ay ligal bang pinaghihigpitan sa inyong bansa? Maaaring kailanganin niyong maging maingat sa mga sinasabi niyo. Ang medikal na aborsyon ay may parehong mga sintomas tulad ng isang likas na pagkakakunan (kilala rin bilang spontaneous abortion). Samakatuwid, maaari niyong sabihin ang mga bagay na tulad ng “Dinudugo ako, pero hindi ganito ang pakiramdam tulad ng aking normal na regla.

    Mga Sanggunian:

    Hindi kinakailangan ang isang ultrasound pagkatapos ng aborsyon gamit ang pills. Kailangan lamang ang isang ultrasound kung may pinaghihinalaang mga komplikasyon (matinding pagdurugo o impeksyon) o kung may mga pagdududa kung nawakasan ba ang pagbubuntis. Kung patuloy pa rin kayong nakakaramdam ng mga sintomas ng pagbubuntis (may pagkalambot ng suso, pagkahilo, pagkapagod, atbp.) pagkatapos gamitin ang pills, kakailanganin niyong magpakonsulta sa isang healthcare worker para sa mga susunod na hakbang, kung itinuring na angkop. Para sa higit pang impormasyon, maaari kayong umugnay sa ating mga kaibigan sa www.womenonweb.org. O pumunta sa aming mga profile ng bansa upang matuto pa tungkol sa aborsyon sa inyong bansa.

    Mga Sanggunian:

    May iba’t ibang paraan para malaman kung matagumpay ang aborsyon. Sa panahon ng aborsyon, maaaring magawa niyong matukoy na inyo nang nailabas ang tissue sa pagbubuntis (maaaring magmukha itong isang maliit na kulay-ubas at maninipis na lamad, o isang maliit na suput-suputan na napapaligiran ng isang maputi at malambot na sapin). Ito ay isang pahiwatig na matagumpay ang aborsyon. Gayunpaman, maaaring hindi palaging posible na matukoy niyo ang tissue sa pagbubuntis. Isa pang pahiwatig ng matagumpay na aborsyon ay ang nawawalang mga sintomas sa pagbubuntis, tulad ng pagkalambot ng suso at pagkahilo.

    Ang isang pregnancy test sa bahay ay isa pang paraan para kumpirmahin ang tagumpay ng isang aborsyon. Gayunpaman, maging alisto na ang isang pregnancy test ay maaaring maging positibo sa 4 na linggo pagkatapos ng inyong aborsyon, dahil sa mga naiiwang hormones sa inyong katawan. Kailangan lamang ang isang ultrasound kung may mga pagdududa na matagumpay na nawakasan ang pagbubuntis o kung may paghihinala ng mga komplikasyon (matinding pagdurugo o isang impeksyon).

    Mga Sanggunian:

    Kung hindi kayo nakaranas ng pagdurugo o paghilab gamit ang pills at nagdududa na kayo ay buntis pa rin, o kung nakumpirma niyo gamit ang isang ultrasound na patuloy na lumalaki ang inyong ipinagbubuntis, maaari niyong ulitin ang pamamaraan ng HowToUseAbortionPill nang hanggang sa 13 linggo ng pagbubuntis.

    Kung nakumpirma niyo na tumigil nang lumaki ang inyong ipinagbubuntis gamit ang isang ultrasound, ngunit hindi pa nailalabas mula sa matris ang ipinagbubuntis, ito ay isang hindi kumpletong aborsyon (kahalintulad sa isang pagkakalaglag) at kayo ay kwalipikado na sumailalim sa isang pag-oopera para alisin ang ipinagbubuntis. Ito ay laganap na magagamit sa buong mundo dahil ang inyong ipinagbubuntis ay hindi na ikinokonsiderang mabubuhay pa. Bilang alternatibo, ligtas na ulitin ang proseso ng aborsyon gamit ang pill na marahil ay magiging matagumpay na sa pagtanggal ng ipinagbubuntis sa ikalawang pagkakataon.

Medikal na Aborsyon at Pertilidad sa Hinaharap

    Maaari kayong magbuntis ulit sa loob ng 8 araw pagkatapos ng isang medikal na aborsyon. Kung kayo ay nakipagtalik at ayaw na mabuntis, dapat niyong ikonsidera ang paggamit ng isang pamamaraan ng kontraseptibo para maiwasan ang isang hindi planadong pagbubuntis.

    Hindi, ang mga abortion pill ay hindi nagsasanhi ng mga depekto sa pagsilang sa mga pagbubuntis sa hinaharap.

    Hindi, ang aborsyon gamit ang pills ay hindi magpapahirap sa inyo na mabuntis sa hinaharap.

Iba pang FAQs sa Aborsyon

    Bagama’t pangkaraniwan ang aborsyon, maaaring mahirapan tayong pag-usapan ang tungkol dito. Ang aborsyon ay napapalibutan pa rin ng maling impormasyon, haka-haka, at estigma. Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa aborsyon, subukang gumamit ng tumpak na impormasyon mula sa mga maaasahang mapagkukunan, iwasang dumihan ang pananalita at maging mapagbilang sa inyong pananalita – samu’t saring mga tao na ang dumaan sa aborsyon. Bagama’t hindi palaging madali na gawin ito, huwag simulan ang isang debate. Sa halip, magtanong na may bukas na sagot tungkol sa mga ugali at karanasan sa aborsyon ng mga tao.

    Ang ligal na istatus ng isang aborsyon gamit ang pills ay dumedepende sa kung saan kayo naninirahan. Sa ilang bansa, ligal ang aborsyon hanggang sa ilang partikular na dami ng linggo ng pagbubuntis, habang sa ibang mga bansa ay ligal ang aborsyon sa ilang patikular na pagkakataon (halimbawa, sa kaso ng panggagahasa o panganib sa buhay ng isang buntis). Madalas na ang mga abortion pill ay ligal na makukuha sa mga bansa na ligal ang aborsyon, bagama’t hindi palaging ginagamit ang mga ito sa labas ng isang pasilidad ng kalusugan. Mayroon ding mga bansa kung saan ang aborsyon ay ganap na ipinagbabawal. Matuto pa tungkol sa aborsyon sa inyong bansa.

    Ang karanasan ng bawat tao sa aborsyon ay magkakaiba ang pakiramdam. Ang ilan ay nakakaramdam ng kaginhawahan at kasiyahan, habang ang iba ay nalulungkot. Ang lahat ng emosyon ay normal. Gayunpaman, ang nagtatagal na negatibong pakiramdam ay bibihira. Ang negatibong makakaapekto sa inyong mental na kalusugan ay ang humarap sa estigma at paghuhusga. Tandaan na hindi kayo nag-iisa – ang aborsyon ay pangkaraniwan. Ang suporta mula sa mga kaibigan, pamilya o mga lokal na organisasyon ay maaaring makatulong.

    Mga Sanggunian:

    Ang mga paraan ng aborsyon ay hindi dapat na ipagkamali sa pagpigil sa pagbubuntis (mga paraan sa kontraseptibo, kasama na ang pang-emerhensyang kontrasepsyon). Ang mga paraan ng kontraseptibo ay gumagana sa pamamagitan ng pagharang sa obulasyon (pagpapalabas ng isang itlog) o sa pamamagitan ng pagpigil sa itlog at semilya na magkita. Ang mga paraan ng kontraseptibo, kasama na ang pang-emerhensyang kontrasepsyon, ay hindi maaaring gamitin para wakasan o hadlangan ang naitatag na pagbubuntis. Maaari niyong bisitahin ang www.findmymethod.org para matuto pa tungkol sa mga paraan sa kontraseptibo.

    Ang pang-emerhensyang kontraseptibong pills (Emergency contraceptive pills/ECP) ay isang ligtas at epektibong paraan ng pagpigil sa pagbubuntis pagkatapos ng hindi protektadong pagtatalik. Gumagana ang mga ito sa pamamagitan ng pagpigil sa obulasyon (pagpapalabas ng isang itlog) o sa pamamagitan ng pagpigil sa itlog at semilya na magkita. Ang mga ECP ay hindi magwawakas o hahadlang sa naitatag na pagbubuntis. Ang mga ECP ay magkaiba mula sa mga programa ng medikal na aborsyon (na kasama ang mifepristone at misoprostol). Ang parehong paggamot ay kritikal na mahalaga para sa reproduktibong kalusugan ng mga kababaihan sa buong mundo.

    May dalawang karaniwang uri na paraan ng aborsyon:

    1) Medikal na aborsyon: Ang medikal na aborsyon ay gumagamit ng mga parmakolohikal na gamot para wakasan ang pagbubuntis. Minsan ang mga termino na “walang pag-ooperang aborsyon” o “aborsyon gamit ang pills” ay ginagamit din.

    2) Pag-ooperang aborsyon: Sa mga paraan ng pag-ooperang aborsyon, isang kuwalipikadong propesyonal ang maglilinis sa matris sa pamamagitan ng cervix ng matris para mawakasan ang pagbubuntis. Kabilang sa mga paraan na ito ay ang manu-manong vacuum aspiration (MVA) at pagraraspa (D&E).

    Para sa karagdagang impormasyon, maaari niyong kontakin ang aming team sa info@howtouseabortionpill.org.

HowToUseAbortionPill.org ay kaanib sa isang rehistradong organisasyon na hindi nagtutubo na 501c(3) na nakabase sa US.
HowToUseAbortionPill.org ng nilalaman na nilayon para lang sa mga layunin ng impormasyon at hindi kaanib ng isang medikal organisasyon.

Itinataguyod ng Women First Digital