
Ano ang mga sintomas at side effect pagkatapos gumamit ng gamot pampalaglag?
Pagkatapos mong gamitin ang mifepristone
karaniwang walang pangunahing mga side effect ang mifepristone—maaari kang magpatuloy sa araw mo gaya ng karaniwan. Maaaring makaramdam ang ilang mga tao ng higit pang pagduduwal o pagkapagod, o makaranas ng bahahyang pagdurugo, ngunit normal din ito na wala man lang maramdaman.
Pagkatapos mong gamitin ang misoprostol
Ang pamumulikat at pagdurugo ang pangunahing mga side effect. Kapakipakinabang ang mga sintomas na ito dahil ipinapakita ng mga ito na gumagana ang gamot. Gaano karaming pamumulikat at pagdurugo ang inaasahan?
Para sa ilang mga tao, napakalakas ng pamumulikat – mas makirot kaysa sa mga pamumulikat dulot ng pagreregla.
Kung minsan, mas malakas ang pagdurugo kaysa sa normal na pagreregla. Karaniwan na lalabas ang mga namuong dugo sa unang ilang oras pagkatapos ng pag-inom ng misoprostol. Ang laki ng mga pamumuo ay magkakaiba-iba depende sa kung gaano katagal na ang pagbubuntis. Sa isang maagang pagbubuntis, kahit na ang maliit na mga namuong dugo ay maaaring magpakita na gumana ang pagpapalaglag. Pagkatapos ng 10 linggo, maaaring makita mo o maramdaman ang nakikilalang embryo o fetus kapag lumabas ito.
At para sa ilang mga tao, banayad ang pamumulikat at ang pagdurugo ay gaya ng normal na pagreregla. Huwag maalarma kung magkaroon ka ng higit pang pagdurugo at pamumulikat kaysa sa regular na pagreregla.
Kung makaranas ka ng masamang pamumulikat, uminom ng tatlo hanggang apat na mga pildoras ng ibuprofen (200 mg) bawat anim hanggang walong oras. Dapat mas pabubutihin nito ang pakiramdam mo. Maaari ka ring gumamit ng mainit na pad, maligo sa maligamgam na tubig, o humigop ng mainit na tsaa.
Maaari mong inumin at kainin ang anumang gusto mo.
Subukang manatili sa isang komportableng lugar hanggang mas bumuti ang pakiramdam mo.
Dapat mas bumuti ang pakiramdam mo sa wala pang 24 oras.
Nakaranas ang ilang mga tao ng ibang mga side effect, gaya ng
- mga panginginig,
- pagkahilo,
- lagnat,
- pagduduwal o pagsusuka,
- pagtatae, at
- mga pananakit ng ulo.
Bagamat hindi komportable, ang mga side effect na ito ay hindi babalang palatandaan. Subukang uminom ng maraming tubig at panatilihing komportable ang sarili mo hangga’t maaari.
Ang karamihan sa mga tao ay titigil na maramdaman ang mga sintomas ng pagbubuntis, gaya ng pagduduwal, sa loob ng ilang araw. Ang pananakit ng mga suso ang karaniwang huling sintomas na mawawala at maaaring tumagal ang sintomas na ito hanggang sa 10 araw pagkatapos ng paggamit ng misoprostol.
Tandaan:
Pinakamainam na magsagawa ng pagsuri sa pagbubuntis apat hanggang limang linggo pagkatapos ng pagpapalaglag, para matiyak na gumana ito. Maaari itong maging pagsuri sa ihi o dugo. Kung gagawin mo ang pagsusuri nang mas maaga, maaaring makakuha ka ng resultang maling-positibo. Alin mang paraan, pakiramdaman ang katawan mo; kung patuloy kang nakakaramdam ng mga sintomas ng pagbubuntis (pananakit ng suso, pagduduwal, pagkapagod, atbp.) pagkatapos ng paggamit sa mga pildoras, magpa-ultrasound para masuri kung matagumpay ang pagpapalaglag.
Paano ko malalaman kung nagkakaroon ako ng komplikasyon pagkatapos ng paggamit sa mga pildoras ng pagpapalaglag?
Habang inilabas ang ipinagbubuntis, ang mga sintomas sa itaas ay normal at bihira ang mga komplikasyon. Sa ibaba ay ilang mga palatandaan na maaaring nanganganib ka sa komplikasyon. Maging alerto.
Malakas na pagdurugo
Kung napuno mo ang dalawang regular na mga pad, bawat oras, sa loob ng magkasunod na dalawang oras pagkatapos mong matanto na nailabas mo na ang ipinagbubuntis, ikinokonsidera itong lubhang malakas na pagdurugo. Dapat kang humingi ng medikal ng tulong kung dumugo ka nang ganito karami. Ang ibig sabihin ng pagkapuno ay ganap na napuno ng dugo ang pad, mula sa harapan hanggang sa likuran, mula sa isang kabila hanggang sa isang kabila, at lahat ng kabuuan.
Matinding kirot
Kung mayroon kang malubhang kirot na hindi bumubuti, kahit na uminom ka ng ibuprofen, humingi ng medikal na tulong. Maaaring mangahulugan ang ganitong uri ng malubhang kirot na mayroong kang komplikasyon na nauugnay pagbubuntis mo. Ang hindi nawawalang kirot na hindi mapawi ng ibuprofen ay maaaring palatandaan ng panganib. Sa gayong mga kaso, iminumungkahi namin na humingi ka ng medikal na tulong.
Pakiramdam na lubhang nagkakasakit
Maaaring magkalagnat ka o makaranas ng pagduduwal at pagsusuka sa araw na gumamit ka ng misoprostol. Normal ito, ngunit dapat mas bubuti nang bubuti ang pakiramdam mo sa bawat araw pagkatapos nito. Kung nagsimulang lumala ang pakiramdam mo, magpatingin sa doktor.
Mabahong agas ng puwerta
Maaaring bahagyang mabaho ang dugo mo at maaaring maitim o mapusyaw na pula, o kayumanggi, ngunit kung ang agas ay iba ang kulay at nangangamoy bulok, maaaring palatandaan ito ng impeksyon.
Di-nawawalang lagnat
Kung mayroon kang lagnat na 38°C (100.4°F) na nagsisimula sa hindi bababa sa 24 oras pagkatapos ng pag-inom ng misoprostol at hindi bumababa pakatapos ng pag-inom ng ibuprofen, dapat kang humingi ng medikal na tulong.
Alerdyik na reaksyon
Kung mayroon kang alerdyik na reaksyon (gaya ng makating mga kamay, pamumula, o pamamaga ng mukha o leeg), maaari kang uminom ng gamot na panlaban sa alerdyi o antihistamine. Subalit, kung nahihirapan kang huminga, nagpapahiwatig ito ng napakaseryosong alerdyik na reaksyon at kailangan mo ng agarang medikal na tulong.
Ano ang dapat kong asahan sa mga linggo pagkatapos ng pagpapalaglag ko?
Ang pinakamahalagang bagay ay ang pagpansin sa pahiwatig ng katawan mo. Maaaring makarmdam ka na medyo pagod; magpahinga kapag kailangan mo.
Gumamit ka ng pad sa una para masubaybayan mo ang pagdurugo mo. Kapag komportable ka na maayos ang lahat, maaaring mong palitan sa mga tampoon o cup.
Maaari mong ipagpatuloy ang normal na mga aktibidad mo kapag sa pakiramdam mo ay handa ka na. Gawin ito ayon sa kakayahan mo.
Ligtas na makipagtalik kapag handa ka na, ngunit isaalang-alang na maaari kang mabuntis mula sa lalong dalawang linggo pagkatapos ng pagpapalaglag, kahit na nagdurugo ka pa.
Normal na makaramdam ng iba’t ibang mga emosyon. Mas bumuti kaagad ang pakiramdam ng ilang tao, habang maaaring mangailangan ng mas maraming panahon ang iba. Maaaring makatutulong ang pakikipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Maaari ka ring makipag-chat sa mga kaibigan namin sa safe2choose.org.
Mga May-akda:
Lahat ng nilalaman na itinampok sa website na ito ay isinulat ng HowToUseAbortionPill.org team alinsunod sa mga pamantayan at protocol mula sa The National Abortion Federation, Ipas, the World Health Organization, DKT International at carafem.
Mga Sanggunian:
- Ipas. (2023). Clinical updates in reproductive health. https://www.ipas.org/resource/clinical-updates-in-reproductive-health/
- National Abortion Federation. (2024). 2024 Clinical policy guidelines for abortion care. https://prochoice.org/providers/quality-standards/
- World Health Organization. (2022). World Health Organization’s 2022 Safe Abortion: Technical and Policy Guidance for Health Systems, Second edition. https://www.who.int/publications/i/item/9789240039483