Paano Gamitin ang Pildoras sa Pagpapalaglag

Mayroong dalawang uri ng mga gamot na ginagamit sa pagpapalaglag: mifepristone at misoprostol. Mas gumagana ang pagpapalaglag gamit ang mga pildoras kung ang parehong gamot ay magkasamang ginagamit. Subalit, kung hindi magagamit ang mifepristone, gagana din ang misoprostol nang mag-isa para wakasan ang pagbubuntis, at ligtas pa rin ito.

Para ligtas na gamitin ang gamot pampalaglag, uminom ng 1 tableta ng mifepristone (200 mg), maghintay ng 24–48 oras, pagkatapos ay ilagay sa ilalim ng dila ang 4 tableta ng misoprostol (200 mcg bawat isa). Kung kinakailangan, ulitin ang dosis ng misoprostol. Kung walang mifepristone, gumamit ng 12 misoprostol na tableta sa 3 dose. Siguraduhing ikaw ay wala pang 13 linggong buntis at sundin ang mga gabay sa kaligtasan.

Ipagpatuloy ang pagbabasa kung gusto mong matuto kung paano gamitin ang mga pildoras sa pagpapalaglag na mifepristone at misoprostol.

Mifepristone at Misoprostol
Misoprostol Lang
How to Use

Bago ka magsimula, basahin ang artikulo namin: Bago ang Paggamit sa Pildoras. Bago inumin ang mga pildoras, tiyaking:

Paano ko gagamitin ang mifepristone at misoprostol para sa aborsyon?

Para sa pagpapalaglag gamit ang mifepristone at misoprostol, kakailanganin mong gumamit ng isang 200 mg na pildoras ng mifepristone at pinakamababang apat na 200 mcg na mga pildoras ng misoprostol (sa kabuuan ay 800 mcg).

Mas magandang gumamit ng walong mga pildoras ng misopristol sa kabuuan. Baka kailangan mong gamitin ang lahat ng mga ito para matiyak na kumpleto ang pagpapalaglag, lalong-lalo na kung 9–13 linggo kang buntis. Subalit, kung mayroon ka lamang apat na mga pildoras ng misoprostol, ayos lang.

Makakatulong din ang mga pamawi ng kirot (gaya ng ibuprofen) at panlaban sa pagduduwal na gamot sa panahon ng pagpapalaglag. Kung lubhang naduduwal ka, inirerekomenda namin na uminom ka ng gamot na paglaban sa pagduduwal 30 minuto bago ang paggamit ng mifepristone o misoprostol, para maiwasan ang pagsusuka.

Hindi mo kailangang mag-ayuno sa panahon ng pagpapalaglag gamit ang mga pildoras. Maaari kang kumain at uminom gaya ng karaniwang ginagawa mo, maliban sa kung ang mga pildoras ay nasa ilalin ng dila mo.

Narito kung paano magkasamang gamitin ang mifepristone at misoprostol para wakasan ang pagbubuntis:

Hakbang 1: Paano ko iinumin ang mifepristone?

Gumamit ng isang 200 mg na pildoras ng mifepristone gamit ang tubig.

Kung nagsuka ka sa loob ng unang oras ng paggamit ng mifepristone, maaaring hindi ito gumana at kailangan mong gumamit ng ekstrang pildoras. Kung nagsuka ka pagkatapos ng unang oras, huwag kang mag-alala.

Hakbang 2: Gaano katagal ako dapat maghintay pagkatapos uminom ng mifepristone?

Maghintay ng 24–48 oras

karaniwang walang mga side effect ang mifepristone, kaya maipagpapatuloy mo ang buhay mo gaya ng normal. Sa bihirang pagkakataon, nakaranas ang ilang mga tao ng pagdurugo bago ang misoprostol. Kung mangyari ito, ayos lang; magpatuloy gaya ng karaniwan.

Maaari kang lumipat sa susunod na hakbang anumang oras sa pagitan ng 24o at 48o kinalaunan, kaya maaari mong piliin ang pinakakumbinyenteng oras para magsimula. Sa sandaling nasimulan mong inumin ang misoprostol, tiyaking nasa isang lugar ka na pakiramdam mo ay ligtas at komportable para sa pinakamababang 12 oras, ngunit pinakamainam na 24 oras. Kung posible, inirerekomenda namin ang pagsisimula sa administrasyon ng misoprostol sa umaga. Pinapahintulutan ka nito na subaybayan ang pagtugon ng katawan mo sa buong araw at tinitiyak na magagamit mo ang gabi para sa sapat na paghingan.

Hakbang 3: Uminom ng mga pamawi ng kirot bago ang misoprostol

Simulan sa pamamagitan ng pag-inom ng pampaalis ng kirot tulad ng ibuprofen (800 mg) halos 30 minuto bago ang paggamit ng misoprostol dahil magsisimula sa lalong madaling panahon ang pamumilikat pagkatapos mong gamitin ang mga pildoras. Kung mayroon kang gamot na panlaban sa pagduduwal, inumin ito kasama ng pampaalis ng kirot.

Susunod, ilagay ang apat na mga pildoras ng misoprostol (200 mch bawat isa) sa ilalim ng dila mo at panatilihin ang mga ito sa loob ng 30 minuto. Maaari mong lunokin ang laway mo, ngunit dapat hindi ka magsalita o kumain sa loob ng 30 minuto; kaya, pinakamagandang gamitin ang mga ito sa isang lugar na tahimik kung saan hidi ka maiistorbo. Pagkatapos ng 30 minuto, imunom ng tubig at lunukin ang lahat na natira sa mga pildoras.

Kung nagsuka ka sa ilalim ng unang 30 minuto ng pag-inom ng misoprostol, ulitin ang hakbang 3. Kung nagsuka ka pagkatapos ng oras na iyon, hindi kailangang ulitin ang anumang bagay dahil maaaring nasipsip na ng katawan mo ang gamot.

Maaaring magsimula ang pamumulikat at pagdurugo sa lalong madaling 30 munito pagkatapos ng paggamit ng misoprostol, ngunit maaaring tumagal ng hanggang 24 oras para magsimula. Nagsisimula ang pagdurugo sa karamihan ng mga tao sa loob ng halos apat hanggang anim na oras pagkatapos ng pag-inom nito.

Maaari mong ipagpatuloy na uminom ng tatlo hanggang apat na mga pildoras ng ibuprofen (200 mg bawat isa) bawat anim hanggang walong oras para pamahalaan ang kirot, kung kinakailangan. Huwag lumampas 3200 mg sa 24 oras, at huwag gumamit ng regular na aspirin dahil pinapataas nito ang panganib mo sa pagdurugo. Maaari ring magamit ang acetaminophen o paracetamol (1000 mg) kung may alerdyi ka sa mga NSAID, ngunit maaaring hindi gumana ang mga ito gaya ng ibuprofen.

Hakbang 4: Kailan ko kailangan ng pangalawang dose ng misoprostol?

Kung buntis ka ng mas mababa sa siyam na linggo, marahil ay hindi mo kakailanganin ang pangalawang dosis. Pero kung hindi ka nagdugo na kasing dami ng pagreregla mo sa loob ng 24 oras, o kung nag-aalala ka na masyadong kaunti ang pagdurugo mo, maaari kang gumamit ng apat pang mga pildoras ng misoprostol sa parehong paraan gaya ng dati.

Kung buntis ka ng 9-13 linggo, magandang ideya na gumamit ka ng apat pang mga pildoras ng misoprostol sa parehong paraan na ginamit mo ang unang dosis, apat na oras pagkatapos ng unang dosis. Ginagawa nitong mas maganda ang paggana ng mga pildoras at mas malamang na magresulta sa matagumpay na pagpapalaglag.

Ano pa ang dapat kong malaman kapag gumagamit ng mifepristone at misoprostol?

Bihira ang mga komplikasyon, subalit, importanta na magawang mahalata ang mga ito. Higit pang matuto tungkol sa mga sintomas at babalang mga palatandaan pagkatapos ng paggamit sa mga pildoras ng pagpapalaglag.

Kung ginamit mo ang mga pildoras sa pagpapalaglag na mifepristone at misoprostol, marahil ay hindi mo kailangang bumisita sa isang tagapagkaloob ng pangangalaga ng kalusugan para sa pagbisita upang masubaybayan. Kung nababahala ka sa proseso ng pagpapalaglag at gusto ng karagdagang supoeta, maaari kang makipag-ugnayan sa mga kaibigan namin sa safe2choose.org, womenhelp.org, o womenonweb.org.

Paano gamitin ang misoprostol lamang para sa aborsyon?

Bago ka magsimula, basahin ang artikulo namin: Bago ang Paggamit sa Pildoras. Bago inumin ang mga pildoras, tiyaking:

Kung hindi magagamit ang mifepristone kung nasaan ka, maaari mong gamitin ang misoprostol nang mag-isa para wakasan ang pagbubuntis.

Para sa pagpapalaglag gamit ang misoprostol lamang, kailangan mong gumamit ng 12 ng 200 mcg na mga pildoras ng misoprostol.

Maaaring makatulong ang pag-inom ng 12 na mga pildoras ng misoprostol sa matagumpay na pagpapalaglag, partikular kung sa pagitan ng 9–13 linggo ang pagbubuntis mo. Kung walang siyam na linggo ang pagbubuntis mo at wala kang access sa 12 na mga pildoras ng misoprostol, maaari kang gumamit ng 8 pildoras, ngunit ang antas ng pagkabisa ay mababawasan.

Ang gamot para sa kirot (ibuprofen) at panlaban sa pagduduwal ay maaari ring makatulong sa panahon ng pagpapalaglag. Kung lubhang naduduwal ka, inirerekomenda namin na uminom ka ng gamot na panlaban sa pagduduwal 30 minuto bago ang paggamit ng misoprostol para maiwasan ang pagsusuka.

Hindi mo kailangang mag-ayuno sa panahon ng pagpapalaglag gamit ang mga pildoras. Maaari kang kumain at uminom gaya ng karaniwan, maliban para sa kung inilagay mo ang mga pildoras sa ilalim ng dila mo.

Narito kung paano mag-isang ginagamit ang misoprostol para wakasan ang pagbubuntid:

Hakbang 1: Paano ko iinumin ang unang dose ng misoprostol?

Simulan sa pag-inom ng pampaalis ng kirot gaya ng ibuprofen (800 mg) halos 30 minuto bago ang paggamit ng misoprostol dahil magsisimula sa lalong madaling panahon ang pamumulikat pagkatapos. Kung mayroon kang gamot na panlaban sa pagduduwal, inumin ito ngayon.

Susunod, ilagay ang apat na mga pildoras ng misoprostol (200 mg bawat isa) sa ilalin ng dila mo at panatilihin ang mga ito sa loob ng 30 minuto. Maaari mong lunukin ang laway mo, ngunit dapat hindi ka magsalita o kumain sa loob ng 30 minuto na ito, kaya pinakamainam na nasa isang lugar na tahimik kung saan hindi ka maiistorbo. Pagkatapos ng 30 minuto, imunom ng tubig at lunukin ang lahat na natira sa mga pildoras.

Kung nagsuka ka sa ilalim ng unang 30 minuto ng pag-inom ng misoprostol, ulitin ang hakbang 3. Kung magsuka ka pagkatapos ng oras na iyon, hindi kailangang ulitin ang proseso dahil maaaring nasipsip na ng katawan mo ang gamot.

Maaaring magsimula ang pamumulikat at pagdurugo sa lalong madaling 30 munito pagkatapos ng paggamit ng misoprostol, ngunit maaaring tumagal ng hanggang 24 oras para magsimula. Karamihan sa mga tao ay nagdurugo sa loob ng halos apat hanggang anim na oras ng pag-inom ng misoprostol.

Maaari mong ipagpatuloy na uminom ng tatlo hanggang apat na mga pildoras ng ibuprofen (200 mg bawat isa) bawat anim hanggang walong oras para pamahalaan ang kirot, kung kinakailangan. Huwag lumampas 3200 mg sa 24 oras, at huwag gumamit ng regular na aspirin dahil pinapataas nito ang panganib mo sa pagdurugo. Maaari ring magamit ang acetaminophen o paracetamol (1000 mg) kung alerdyik ka sa mga NSAID; subalit, maaaring hindi gumana ang mga ito gaya ng sa ibuprofen.”

Hakbang 2: Gaano katagal ang dapat hintayin sa pagitan ng mga dose ng misoprostol?

Maghintay ng tatlong oras.

Hakbang 3: Paano ko iinumin ang pangalawang dose ng misoprostol?

Maglagay ng isa pang apat na mga pildoras ng misoprostol (200 mcg bawat isa) sa ilalim ng dila mo at panatilihin ang mga ito doon sa loob ng 30 minuto.

Hakbang 4:

Maghintay ng isa pang tatlong oras.

Hakbang 5: Paano ko iinumin ang ikatlong dose ng misoprostol?

Maglagay ng isa pang apat na mga pildoras ng misoprostol (200 mcg bawat isa) sa ilalim ng dila mo at panatilihin ang mga ito doon sa loob ng 30 minuto.

Ano ang dapat kong asahan pagkatapos inumin ang lahat ng dose ng misoprostol?
Dapat magsimula ka nang dumugo at mamulikat habang iniinom ang mga pildoras. Tiyaking gamitin ang lahat na 12 na mga pildoras, kahit na magsimula kang dumugo bago mo magamit ang lahat ng mga ito.

 

Ano pa ang dapat kong malaman kapag gumagamit ng misoprostol?

Bihira ang mga komplikasyon, subalit, importanta na magawang mahalata ang mga ito. Higit pang matuto tungkol sa mga sintomas at babalang mga palatandaan pagkatapos ng paggamit sa mga pildoras ng pagpapalaglag.

Kung ginamit mo ang mga pildoras sa pagpapalaglag na mifepristone at misoprostol, marahil ay hindi mo kailangang bumisita sa isang tagapagkaloob ng pangangalaga ng kalusugan para sa pagbisita upang masubaybayan. Kung nababahala ka sa proseso ng pagpapalaglag at gusto ng karagdagang supoeta, maaari kang makipag-ugnayan sa mga kaibigan namin sa safe2choose.org, womenhelp.org, o womenonweb.org.

Mga May-akda:

Lahat ng nilalaman na itinampok sa website na ito ay isinulat ng HowToUseAbortionPill.org team alinsunod sa mga pamantayan at protocol mula sa The National Abortion Federation, Ipas, the World Health Organization, DKT International at carafem.

Mga Sanggunian: